KAPABILIDAD NG ONLINE SELLERS, PALAKASIN

KAPABILIDAD NG ONLINE SELLERS, PALAKASIN

SA HALIP na pag-initan sa pagbabad ng buwis, mas nararapat na tulungan ng gobyerno ang mga online sellers upang mahasa pa ang kanilang kapabilidad bilang mga negosyante.

Ito ang iginiit ni Senador Joel Villanueva sa gitna ng mga puna at batikos sa plano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na patawan ng buwis ang mga online seller.

Sinabi ni Villanueva na mas nararapat na tulungan ang mga online sellers na mapalakas ang kanilang entrepreneurial skills at magkaroon ng tamang kaalaman sa proper handling at storage ng pagkain o anumang produkto gayundin sa financial management.

Layun nito na mapalakas din ng online sellers ang sarili nilang mga negosyo na kinalaunan ay makatutulong sa ekonomiya.

Muling iginiit ngs enador na hindi napapanahon ang pagpapataw ng buwis sa online sellers lalo na’t nahaharap sa krisis ang bansa.

“In ordinary times, yes online sellers should register and pay the appropriate taxes. But right now, we have a pandemic and everyone is just trying to survive. We should encourage these online sellers so they can thrive and contribute to economic activities,” diin ni Villanueva.

Leave a Reply

%d bloggers like this: