Aplikasyon sa Bldg. permit sa QC, high-tech na

Aplikasyon sa Bldg. permit sa QC, high-tech na

BINAGO ng Quezon City- Department of Building Official (DBO) ang sistema ng pagtanggap ng aplikasyon para sa pagkuha ng building permit sa ilalim ng “new normal” phase para matiyak ang kaligtasan laban sa coronavirus.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte , ang DBO ay mayroon ng devise para sa online application at appointment system para sa aplikasyon at proseso ng permit para malimitahan ang bugso ng tao na pupunta sa cityhall at maiwasan ang physical contact.

“The innovation is intended to limit the number of people visiting the DBO for the physical submission of building plans and other pertinent documents,” pahayag ni Belmonte.

Sinabi ni DBO head Atty. Dale Perral, ang isang permit applicant ay dapat kumuha muna ng appointment upang maproseso ang aplikasyon para sa building petmit at maproseso gamit ang kanilang electronic gadget sa pamamagitan ng dbo-af.quezoncity.gov.ph.

Sinabi ni Perral na para sa kaligtasan ng kalusugan ng lahat, ang building plans at dokumento na kailangang isumite ay sasailalim sa disinfection procedures gamit ang Germicidal Ultraviolet (UV) Light o UV-C spectrum.

Binuo rin ang Centralized Communications Unit (CCU) para ang lahat ng requests, complaints at tanong na may kinalaman sa building permit ay tatanggapin sa pamamagitan ng e-mail sa official e-mail address – DBO@quezoncity.gov.ph.

Ang permit applicant ay hindi na rin pupunta sa City Planning at Bureau of Fire para makakuha ng Locational Clearance at Fire Clearance/Certificates dahil maaari na ang mga itong mag via online appointment schedule at magsubmit ng lahat ng kailangang dokumento.

Leave a Reply

%d bloggers like this: