Meralco consumers, bigyan ng insentibo

Meralco consumers, bigyan ng insentibo

HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang Manila Electric Company (Meralco) na bigyan ng insentibo sa halip na patawan ng karagdagang bayarin ang mga customer na magbabayad sa pamamagitan ng online transactions.

Una nang winaive ng Meralco ang P47 na convenience fee sa online transaction sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Subalit inanunsyo ng kumpanya na muli nang ipapataw ang dagdag na bayarin sa katwirang napupunta ito sa third party service provider.

Para kay Gatchalian, hindi kinakailangang magpataw ng dagdag na bayarin ang kumpanya lalo na’t kababalik pa lamang sa trabaho ng mayorya ng mga consumer nito.

Dahil dito, nanawagan si Gatchalian sa Energy Regulatory Commission at sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na busisiin ang fees na sinisingil ng third-party service providers.

“Baka nakakalimutan ng Meralco na nandyan pa rin ang banta ng COVID-19 sa kalusugan ng bawat mamayan sa kabila ng pinaluwag na quarantine. Kaya nga natin sinusulong ang paggamit ng online platforms sa pagbayad ng mga bills ay upang hindi na lumabas ng bahay at makipagsapalaran sa mga bayad centers at iba pang establisyemento ang mga tao, pagkatapos ay pababayarin din pala sila ng dapat na pang serbisyo publiko na lang. Huwag nating pahintulutan ito,” diin ni Gatchalian.

Leave a Reply

%d bloggers like this: