Rappler CEO, guilty sa Cyberlibel

Rappler CEO, guilty sa Cyberlibel

GUILTY!

Ito ang naging hatol ng Manila Regional Trial Court Branch 46 laban kay Rappler Chief Executive Officer at Executive Director Maria Ressa at dating Rappler researcher-writer Reynaldo Santos sa kaso nilang cyber libel.

Sa desisyon ni Judge Rainelda Estasio-Montesa, inatasan sina Ressa at Santos na magbayad sa private complainant na si Wilfredo Keng ng P200,000 sa moral damages at P200,000 sa exemplary damages.

Pinatawan ang dalawa ng anim na buwan hanggang anim na taong pagkabilanggo subalit maaari pa nila itong apela sa Court of Appeals haggang Supreme Court.

Ang kaso ay may kinalaman sa artikulo ng Rappler noong 2012 kaugnay sa intelligence report na nag-uugnay kay Keng sa human trafficking at drug smuggling.

Leave a Reply

%d bloggers like this: