DSWD gigisahin sa palpak na SAP distribution

DSWD gigisahin sa palpak na SAP distribution

GIGISAHIN ng Kongreso ang mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kalituhan at pagkaantala sa pamamahagi ng Special Amelioration Program (SAP) cash subsidy para sa mga low income na pamilya na apektado ng COVID 19.

Ito’y matapos na maghain ng House Resolution (HB) 973 si Speaker Alan Peter Cayetano upang alamin kung ano ang naging sanhi sa mabagal na distribusyon ng SAP cash assistance sa mga mahihirap na naapektuhan ng krisis .

Ito ay para hindi na maulit pa ang kapalpakan at mapabilis na ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng ayuda.

Marami umano ang tumanggap ng ayuda na hindi kuwalipikado habang ang mga nangangailangan ay naitsa –puwera sa cash subsidy.

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal As One Act , makakatanggap ng mula P 5,000 cash hanggang P 8,000 kada buwan o sa loob ng 2 buwan ang mga low income na mga pamilyang naapektuhan ng pandemya.

One thought on “DSWD gigisahin sa palpak na SAP distribution

  1. Here in Barangay 169 Caloocan…. many unqualified people were included in the SAP list… DSWD never verified the true social status of those in the list… walang bahay-bahay validation na nagyari…. so dami nakalusot…

Leave a Reply

%d bloggers like this: