Presyo ng petrolyo, muling tumaas

Presyo ng petrolyo, muling tumaas

HABANG unti-unting nalalapit ang ‘new normal’, patuloy na naman ang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa makaraang magpatupad ng panibagong oil price hike ang mga kumpanya ng langis nitong Martes ng umaga.

Kabilang sa mga nagtaas ng presyo ang Phoenix Petroleum, Petron Corporation, Flying V, PTT Philippines, Total Philippines, Cleanfuel, Petro Gazz, Pilipinas Shell, at Seaoil Philippines.

Sabay-sabay na nagpatupad ng pagbabago ng presyo ang mga oil companies dakong alas-6 ng umaga kahapon. Nasa P1.25 kada litro ng gasolina, P1.10 kada litro ng diesel at P.75 sa kada litro ng kerosene ang kanilang itinaas.

Hindi pa kasali sa naturang pagtataas ang price adjustment sa ipinataw na 10% tax duty para sa krudo at refined petroleum sa bisa ng Executive Order No. 113 ni Pangulong Rodrigo Duterte para umano makalikom ng pondo ang pamahalaan sa paglaban sa coronavirus disease (COVID-19).

Nakatakdang ipatupad ang EO113 sa Hunyo 17 at inaasahang ipapatong ng mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produkto kung saan direktang apektado ang mga motorista.

Leave a Reply

%d bloggers like this: