Win sa Telcos: Maglagay ng cellsite sa mga paaralan

Win sa Telcos: Maglagay ng cellsite sa mga paaralan

HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang mga telecommunications companies na maglagay ng cell site sa bawat Department of Education (DepEd) sa bansa upang mabigyan ng internet access ang lahat ng 42,046 barangays.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na mayorya naman sa mga barangay sa buong bansa ang may mga paaralan kaya’t mas praktikal na gamitin ang espasyo ng mga ito para sa cell sites.

“So bawat barangay merong public school at kung pwede nating patayuan ng cell site at wifi-based station sa bawat public school, sagip na natin ang buong Pilipinas dahil buong barangay ay makakabitan natin ng cell site,” saad ni Gatchalian.

Nilinaw ng senador na sa kanyang panukala ang mga telecommunication companies ang magtatayo ng cell sites gamit ang lupa ng mga public school.

Binigyang-diin ng mambabatas na kung may sapat na imprastraktura, internet, gadgets, hindi magiging problema ang pagtuturo sa mga estudyante, lalo na’tkailangang mag-shift sa distance learning.

Una nang iginiit ni Gatchalian ang imbestigasyon sa implementasyon ng free wifi sa mga paaralan alinsunod sa Republic Act No.10929 o Free Internet Access in Public Places Act.

Leave a Reply

%d bloggers like this: