30 Days Sick Leave para sa mga guro, isinusulong

30 Days Sick Leave para sa mga guro, isinusulong

ISINUSULONG ngayon sa Kongreso na bigyan ng 30 araw na sick leave ang mga guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Ito ang laman ng panukala ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro base sa inihain nitong House Bill (HB) 5349 An Act Providing Sick Leave Benefits of 30 Days per year for Public School Teachers .

“Public school teachers at present are not given sick leave benefits because current rules and regulations do not afford them this leave privilege”, ani Castro.

“Public school teachers have long been complaining of not being afforded sick leave benefits within the school year because they are allegedly already covered by the leave benefits granted to those on ‘teachers leave basis,’ namely, service credits and the Proportional Vacation Pay (PVP),” pahayag ng lady solon.

Sinabi ni Castro sa panahon ng COVID 19 pandemic ay dapat pakinggan at aksyunan ang karaingan ng mga guro sa pampublikong paaralan at amyendahan ang batas para mabigyan ang mga ito ng proteksyon sa anumang kumplikasyon sa kanilang kalusugan.

“With the current laws, rules and regulations, it is as if public school teachers can choose to only get sick during the summer breaks and are expected to simply ‘bear it’ during the school year. Moreover, teachers suffer deductions in their salaries if they choose to absent themselves from class,” ayon kay Castro.

Leave a Reply

%d bloggers like this: