Grocery donation sa mahihirap, gustong regalo ni Mayor Vico

Grocery donation sa mahihirap, gustong regalo ni Mayor Vico

SA halip na bonggang selebrasyon, nais ni Pasig City Mayor Vico Sotto na mga grocery packs na ipamamahagi sa mahihirap na pamilya na lamang ang iregalo sa kaniya sa kaniyang birthday ngayong Miyerkules.

“Maraming salamat po sa lahat ng bumati at sa mga babati pa lang!,” pasalamat ni Mayor Vico.

“Sa mga nagtatanong kung ano ang gusto kong regalo, bumili na lang po kayo ng grocery foodpack at ipamigay sa nangangailangan (pwede nyo i-drop off sa RED o sa mayor’s office; kung ano ang mas convenient),” panawagan niya.

Sinabi niya na huwag siyang bigyan ng surprise party tulad ng Mañanita dahil sa hindi naman siya mahilig dito bukod sa bawal pa rin ang mass gathering.

“Pakiusap na wala munang celebration o surprise party. Hindi naman ako mahilig sa party at higit pa rito, bawal pa ang mga mass gathering.. buhay na buhay pa si Covid mga kaibigan!” giit ng alkalde.

Nagbiro rin siya sa kaniyang mga staff sa Pasig City Hall.

“Papunta na po akong opis ngayon. Kung may binabalak kayo, itigil niyo na yan! 😂”, aniya.

Leave a Reply

%d bloggers like this: