Business Tycoon Danding Conjuangco, pumanaw na

Business Tycoon Danding Conjuangco, pumanaw na

PUMANAW na sa edad na 85 ang chairman at chief executive officer ng San Miguel Corporation na si Eduardo “Danding” M. Cojuangco Jr.

Batay sa impormasyon, namatay ang business tycoon dahil sa cancer.

Agad namang nagpahayag ng pasasalamat at pagdadalamhati ang Philippine Basketball Association (PBA).

“Chairman and CEO of San Miguel Corp., politician, diplomat, businessman, team owner, sports patron… Thank you for your countless contribution to the PBA and sports!” saad ng asosasyon.

“Our prayers and condolences to his family and loved ones. Requiescat in pace!” dagdag pa nito.

Noong 2019, kinilala si Cojuangco bilang 16th richest man in the Philippines ng Forbes.

Bukod sa kanyang mga negosyo, naging aktibo rin si Cojuangco sa pulitika kung saan itinatag niya noong 1992 ang Nationalist People’s Coalition (NPC).

Leave a Reply

%d bloggers like this: