Pagpapagamit ng iisang facemask sa graduation, iimbestigahan

Pagpapagamit ng iisang facemask sa graduation, iimbestigahan

Iniimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) ang ulat na gumamit ng iisang face mask ang mga estudyante mula sa isang public elementary school sa Daet, Camarines Norte sa kanilang graduation pictorial.

Sinabi ng DepEd na sinimulan na ng kanilang regional office sa Bicol ang isang fact-finding investigation at hiningian ng written explanation ang mga taong itinuturong sangkot sa naturang insidente. Isa umano itong paglabag sa ipinatutupad na minimum health standards at social distancing protocols ng pamahalaan para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“We take this matter seriously and will have a firm and rectifying action to prevent further breach in the future,” bahagi pa ng pahayag ng DepEd.

“The local DepEd COVID-19 Task Force will actively monitor the health of the learners concerned through the regional office,” dagdag pa nito.

Nauna rito, sa isang video, na ini-upload sa social media ng isang concerned citizen, ay makikita ang ilang estudyante sa isang elementary school sa Daet na salitang gumamit ng iisang face mask lamang habang nagpapakuha ng kanilang larawan sa isang graduation ceremony.

Leave a Reply

%d bloggers like this: