Pamimigay ng 2nd tranche ng SAP, inumpisahan na sa Benguet

Pamimigay ng 2nd tranche ng SAP, inumpisahan na sa Benguet

PARA sa mga matiyagang naghihintay na mga benepisaryo, inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na sinimulan na ngayong Hunyo 17 ang distribusyon ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Sinabi ni DILG Undersecretary at spokesman Jonathan Malaya na ang ‘pilot payout’ ng nasabing cash aid ay sinimulan sa Benguet sa Cordillera Administrative Region (CAR).

“Ang distribution ng SAP sa Benguet sa Cordillera Administrative Region. Doon po magsisimula at sunod-sunod na po ito hanggang sa June 23,” sabi ni Malaya.

Aniya, ang local government units (LGUs) ay may nakalistang 4.2 milyong “waitlisted” at “left out“ na pamilyang benepisyaryo ng programa.

Leave a Reply

%d bloggers like this: