20 Barangay officials sa MM, pinakakasuhan sa Ombudsman

20 Barangay officials sa MM, pinakakasuhan sa Ombudsman

NASA 20 barangay officials sa Metro Manila ang Inirekomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman na patawan ng disciplinary action dahil sa pagkabigo na ipatupad ang mga protocols ng “enhanced community quarantine (ECQ)”.

“We want to send a message sa mga pasaway na barangay official that the DILG will not tolerate any violation of ECQ protocols. As government officials, we should take the lead in following the law and not in breaking it,” ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, sa isang pahayag.

Sa naturang bilang, lima sa mga punong barangay ang mula sa Caloocan City, lima sa Quezon City, dalawa sa Parañaque City at tig-isa naman mula sa Mandaluyong City, Las Piñas, Manila City, Makati, Pasay City, Taguig City, Marikina City, at Muntinlupa City.

Sa isang liham kay Ombudsman Samuel Martires, pinadalhan na ng show cause orders ang 20 barangay officials alinsunod sa Administrative Order No. 267 ngunit hindi nakuntento ang DILG sa tugon ng mga opisyal.

Kabilang sa mga pagkakasalang kinasasangkutan nila ay paglabag sa implementasyon ng physical distancing, illegal na tupada, sugal, hindi mahigpit na pagpapairal ng lockdown protocols, gross neglect of duty at iba pa.

Ang mga ulat naman ng anomalya na may kinalaman sa Social Amelioration Program (SAP) ay iniendorso sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) para sa case-build up at paghahain ng mga kasong kriminal.

Leave a Reply

%d bloggers like this: