Barangay Chairman sa Quiapo, inutas

Barangay Chairman sa Quiapo, inutas

PATAY ang isang barangay chairman sa Quiapo, Maynila makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin sa loob ng isang outpost sa nitong Miyerkules ng gabi.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang biktimang si Abubacar Sharief, 33, Chairman ng Brgy. 384 Zone 39 at nakatira sa No. 817 Globo De Oro St., Quiapo, Manila

Sugatan naman makaraang tamaan ng ligaw na bala sa hita ang 38-anyos na si Malik Abdulah, barangay kagawad at nakatira rin sa naturang lugar.

Naganap ang pamamaril dakong alas-11 ng gabi sa loob ng barangay outpost sa Globo de Oro Street sa Quiapo kung saan nakaistambay sina Sharief at iba pang opisyal ng barangay.

Dumating ang mga salarin na armado ng M-16 assault rifles na agad na sumigaw ng “Dapa!” Dito pinagbabaril ng mga salarin si Sharief saka mabilis na tumakas.

Nabatid na napaslang rin ang ama ni Sharief na si Zainal na dating Barangay Chairman sa lugar noong 2012.

Leave a Reply

%d bloggers like this: