Caloocaño pinaalalahanan sa Dengue

Caloocaño pinaalalahanan sa Dengue

Bukod sa banta ng COVID-19, pinaalalahanan ni Mayor Oca Malapitan ang mga residente na ng lungaod mag-ingat din sa sakit na dengue.

“Nananawagan ako sa ating mga mamamayan na gawin ang mga simpleng hakbang upang maiwasan natin ang dengue sa ating mga komunidad,” ani Mayor Malapitan.

Hinihikayat din ng alkalde ang mga magulang na kaagad na komunsulta sa doktor kapag ang kanilang mga anak ay may sintomas ng dengue.

“Sa panahon ng pandemya na dulot ng Covid19, dapat ay mag-ingat at isaalang-alang din natin ang ating kaligtasan sa iba pang mga sakit na maaari nating makuha tulad ng dengue,” dagdag ni Mayor Oca.

Leave a Reply

%d bloggers like this: