Chinese dredger na sumadsad sa Zambales, sinaklolohan ng PCG

Chinese dredger na sumadsad sa Zambales, sinaklolohan ng PCG

SINAKLOLOHAN ng Philippine Coast Guard (PCG) angisang Chinese dredger ship na sumadsad sa dalampasigan ng Botolan, Zambales nitong nakaraang Linggo na posibleng nagsasagawa ng ‘black sand mining’ sa lugar.

Sa ulat ng PCG, sumadsad may 200 metro sa dalampasigan ng Barangay Bangan ang MV Zhong Hai 69 Alfa, isang dredger na may kakayahan na humakot ng buhangin sa ilalim ng dagat.

Tiniyak naman ni PCG commandant Vice Admiral George Ursabia na tanging mga tauhan nila ang mamamahala sa ‘salvage operation’ ng barko bagama’t nagpahayag na ang operator nito na Z2K Resources Inc. na magpapadala ng mga ‘bilge pumps’ para matanggal ang tubig sa loob.

“The PCG remains on top of the situation. We do not want to add another burden to the current crisis we are facing,” ayon kay Ursabia.

“Most of all, we do not want the local residents in the area to bear the negative consequences of this situation, especially with the possible harm it can cause to local marine environment,” dagdag niya.

Kilala ang lalawigan ng Zambales sa mga ulat ng pagmimina ng ‘black sand’ ng mga dayuhan partikular na ng mga Tsino.

Leave a Reply

%d bloggers like this: