Druglord Kerwin Espinosa, nakakulong na nag-ooperate pa rin

Druglord Kerwin Espinosa, nakakulong na nag-ooperate pa rin

KAHIT na nakakulong na sa National Bureau of Investigation (NBI), nagagawa pa rin umanong makapag-operate sa iligal na droga si self-confessed drug lord Kerwin Espinosa, ayon kay PLtCol Jovie Espenido.

Dahil dito, inatasan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon sa alegasyon na si Espinosa ang nasa likod ng operasyon ng iligal na droga sa Pampanga, Cavite, Bulacan, Pasay City at Taguig City.

“I told (NBI) Chief (Eric) Distor to give priority to this matter,” ayon kay Guevarra.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI si Espinosa at nasa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) ng DOJ makaraang maging testigo ng pamahalaan laban kay Senador Leila De Lima.

Sinabi ni Guevarra na kung mapapatunayan ang alegasyon ay maaapektuhan ang istatus ni Espinosa sa WPP.

Leave a Reply

%d bloggers like this: