Preso na may COVID 19, umakyat na sa 301

Preso na may COVID 19, umakyat na sa 301

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na umakyat na sa 301 ang mga preso na tinamaan ng COVID 19.

Ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete, sa naturang bilang 141 ang mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City habang 82 mula sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.

Kasama rin anya sa bilang ang 16 na namatay habang 145 ang naka-recover.

Samantala, 78 na tauhan din ng BuCor ang nagpositibo sa virus.

Leave a Reply

%d bloggers like this: