Win kay Duque: Mag-leave ka muna!

Win kay Duque: Mag-leave ka muna!

Dapat munang iwan ni Secretary Francisco Duque ang Department of Health (DOH) habang gumugulong ang imbestigasyon sa kanya ng Ombudsman.

Ito ang iginiit ni Senador Win Gatchalian upang matiyak na hindi maiimpluwensyahan ni Duque ang pagsisiyasat lalo na ang mga impormasyon at mga dokumentong hihingin ng Ombudsman sa DOH.

“To make the investigation impartial, I think the best and the most appropriate thing to do is to take a leave of absence at the very least para maging impartial ang investigation,” saad ni Gatchalian sa Zoom Press Briefing sa Senate Media.

Naniniwala si Gatchalian na hindi makaapekto sa kasalukuyang mga aksyon ng gobyerno laban sa COVID 19 kung mag-leave man si Duque dahil sa ngayon anya ang pangunahing kumikilos ay ang National Task Force.

Ang DOH anya ay nakatutok na lamang sa epedimiology data at pagpapaalala sa health protocols na kaya namang gampanan ng mga kasalukuyang Undersecretaries at Assistant Secretaries.

Muling binigyang-diin ni Gatchalian na ang malaking kakulangan na nakikita nila kay Duque ay ang kawalan nito ng foresight sa mga pangyayari kaya’t hindi nailatag nang maayos ang mga paghahanda laban sa pandemya.

Pinuna rin nito ang mababa pa ring kapabilidad ng DOH sa COVID testing kung saan hindi pa rin naabot ang target na 30,000 kada araw na pagsusuri.

Muling iginiit ng senador na kung hindi maagapan ang sitwasyon ay posibleng lumala ang mga socio economic problem tulad ng pagkagutom, teenage pregnancy at school dropouts.

Leave a Reply

%d bloggers like this: