Malakanyang, hinamong italaga si VP Leni bilang IATF head

Malakanyang, hinamong italaga si VP Leni bilang IATF head

HINAMON ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes na italaga si Vice President Leni Robredo bilang chairperson ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na namamahala sa mga hakbangin laban sa COVID-19 pandemic.

“If Malacanang really wants to flatten the curve, then it should appoint Vice President Robredo to be the IATF chair,” saad ni Trillanes.

“Kung si Vice President Leni ang mamumuno at magpapatakbo ng IATF, mas marami itong magagawa at siguradong mas maganda ang kampanya natin laban sa COVID-19,” dagdag ng dating senador.

Binatikos din ni Trillanes si Presidential Spokesman Harry Roque sa pahayag na dapat magpresinta si Robredo ng mga solusyon sa problema sa halip na banatan ang pamahalaan.

“Bulag ba o nagbubulag-bulagan itong si Roque sa mga nagawa at kasalukuyang ginagawang pagtulong ng Bise Presidente sa ating mga kababayan sa harap ng pandemyang ito,” diin ni Trillanes.

“Kung ang amo ni Roque na si Duterte ay patulog-tulog, si Vice President Leni ay halos wala nang pahinga sa paghahanap ng mga paraan kung paano makatutulong sa mga Pilipino,” dagdag pa nito.

One thought on “Malakanyang, hinamong italaga si VP Leni bilang IATF head

  1. huwag na, kasi inubos na nila ang budget baka mapagbintangan pa siya. gamitin ang utak. gagawin lang siyang escape goat dyan. magisip bago kumilos.

Leave a Reply

%d bloggers like this: