Sa pagkakalat ng fake news…Mocha Uson, lumabag sa Bayanihan Act

Sa pagkakalat ng fake news…
Mocha Uson, lumabag sa Bayanihan Act

KINUMPIRMA ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division na isa si OWWA Deputy Admin Mocha Uson sa mga napatunauan nilang nagkakalat ng fake news at mahaharap sa paglabag sa Bayanihan, we heal as on Act.

Ayon kay Division chief Vic Lorenzo, natapos na nila ang pagsisiyasat sa mga paglabag sa Bayanihan Act na isinumite na nila sa NBI Legal Division ang kanilang final report.

Nasa kamay na anya ng kanilang Legal Division kung itutuloy ang paghahain ng kaso.

Sa ilalim ng Bayanihan Act, ipinagbabawal ang pagkakalat ng fake news sa panahon ng COVID 19 pandemic.

Ayon kay Lorenzo, nagdulot ng kalituhan ang post ni Uson sa Facebook nang palabasin na donasyon ng gobyerno ang mga personal protective equipment (PPE) sa mga frontliners na mula naman sa isang pribadong kumpanya.

“She is telling the public that it is only government that is supporting frontliners and donating PPE without considering that the private sector is also donating. She has also apologized, but this does not extinguish her liability,” saad ni Lorenzo.

Sa kanyang Facebook post, pinuri ni Uson ang gobyerno sa pagbili ng mga bagong PPE at inilakip ang larawan ng mga frontliners na nakasuot ng gear mula sa isang supermarket chain.

Inamin naman ni Uson na “honest mistake” ang kanyang post.

“We are asking the legal to evaluate our findings, if our evidence is enough for prosecution. This is a new law. There are no precedent cases. Which is why we needed to clear our mind on whether or not our appreciation of the law was correct,” pahayag pa ni Lorenzo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: