TESDA-Navotaas itatatag na

TESDA-Navotaas itatatag na

Pinirmahan na ng Navotas City Government ang isang memorandum of agreement para sa pagtatatag ng TESDA-NAVOTAAS Training Institute.

Sa pamamagitan nito, inaasahang mas marami na po ang maihahandog na mga tech-voc courses tulad ng sumusunod:

  1. 2D Animation
  2. Advance Microsoft Excel Training
  3. Computer System Servicing
  4. Cyber Security
  5. Driving
  6. Solar Powered Lighting and Mobile Phone Charging Training

Sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na napapanahon ito lalo na karamihan sa mga kursong ito ay puwedeng gawin kahit naka-work from home.

“Ibig sabihin, pwede kang kumita kahit sa bahay lang nagtatrabaho,” ani Tiangco.

Karamihan sa mga kompanya ngayon ay may work-from-home na set up para mabawasan ang mga pumapasok sa opisina at maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

“Sa pagpasok ng new normal, naiba at nabago na ang pangangailangan at prayoridad ng mga tao. Umaasa tayong sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatibo, mas mapapadali natin ang pagbabago o adjustment na kailangang gawin ng mga Navoteno,’ dagdag ni Tiangco.

Leave a Reply

%d bloggers like this: