1,500 COVID patients sa Quezon City, gumaling

1,500 COVID patients sa Quezon City, gumaling

Mahigit 1,500 mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City na ang gumaling, ayon ka Mayor Joy Belmonte.

Batay sa datos ng DOH, na inilabas ng QC LGU, nitong Hunyo 20, 2020, ay nasa kabuuang 1,537 na sa mga naitalang COVID-19 cases sa lungsod ang gumaling na sa karamdaman.

Samantala, umabot na sa 2,911 ang DOH confirmed cases sa lungsod ngunit sa naturang bilang, 2,830 lamang ang may kumpletong address at 2,791 ang na-validated ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) at District Health Office.

Ang datos na mula sa DOH ay dumadaan muna sa balidasyon ng CESU, health center staff at mga opisyal ng barangay para masigurong sila ay residente ng lungsod.

Sa naturang bilang, nasa 217 mga pasyente na ang binawian ng buhay habang nasa 1,037 naman ang mga aktibong kaso at gumagaling na mula sa karamdaman.

Leave a Reply

%d bloggers like this: