Netizen na mangagahasa daw sa anak ni Sharon, lagot din sa DOJ

Netizen na mangagahasa daw sa anak ni Sharon, lagot din sa DOJ

PAPASOK na rin ang Department of Justice (DOJ) para matukoy at makilala ang lalaking nagbanta na manggagahasa kay Frankie Pangilinan, anak nina Senador Francis Pangilinan at aktres na si Sharon Cuneta.

Kinontak na ni Shron si Justice Secretary Menardo Guevarra na nagsabing desidido na magsampa ng kasong kriminal laban sa isang Sonny Alcos.

Ngunit kailangan umano na matukoy muna ang totoong pagkakakilanlan ng suspek at ang kaniyang lokasyon bago maisampa ang reklamo laban sa kaniya.

“It appears that Sharon, through her own efforts, has identified the person concerned, including his location and the name and address of his employer,” ayon kay Guevarra.

Sa post ni Sonny Alcos, sinabi niya na na: “Pasalamat ka iha, kung ang edad ko 12 yrs. magtago ka na sa tatay mong Senador Kiko Matsing Pangilinan dahil hahanapin kita para gahasain. Tapos sisihin mo tatay mo. Dahil hindi ako makukulong.”

Nang makarating kay Cuneta, galing siyang nag-post sa kaniyang Twitter at nangako na hahanapin si Alcos na umano’y isang duwag para panagutin.

Naging kontrobersyal si Frankie Pangilinan sa pagkastigo niya sa kultura ng pangagahasa kung saan isinisisi sa uri ng pananamit ng mga babae ang mga nagaganap na pag-abuso.

Leave a Reply

%d bloggers like this: