12 taong kulong sa lalaking nagbanta ng rape sa anak ni Sharon

12 taong kulong sa lalaking nagbanta ng rape sa anak ni Sharon

KULONG ng aabot sa 12 taon ang maaaring parusang kaharapin ng lalaking netizen na nagbanta na manggagahasa sa anak nina Senador Francis Pangilinan at Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ito ay makaraang ipag-utos ni NBI OIC Director Eric Distor sa Cybercrime Division na magsagawa ng imbestigasyon sa insidente ng pagbabanta ng isang Sonny Alcos kay Frankjie na nagpasimula naman ng #HijaAko online movement na lumalaban sa sexual violence sa kababaihan.

“May directive sa amin si OIC ng NBI para tingnan iyong issue… Tiningnan namin kung saan kami mag-uupisa, anong magiging lead,” ayon kay NBI Cybercrime Division chief Victor Lorenzo.

Sinabi ni Lorenzo na maaaring maituring ang pagbabanta kay Frankie na isang kaso ng ‘light threat o unjust vexation’ sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act na may katumbas na parusang 12 taong pagkakulong sa oras na mapatunayan ang pagkakasala ng suspek.

Kasalukuyang nangangalap na ang NBI ng mga impormasyon ukol sa naturang post at sa pagkatao ni Alcos na nag-deactivate na ng kanilang social media account.

Leave a Reply

%d bloggers like this: