Duque, ipinagtanggol muli ni PRRD

Duque, ipinagtanggol muli ni PRRD

SA KABILA ng kinakaharap na mga isyu, muling ipinakita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang tiwala kay Health Secretary Francisco Duque III.

Sa kanilang briefing ngayong gabi, sinabi ng Pangulo na itataya niya ang kanyang reputasyon para kay Duque.

“I am very sure and I place my reputation kay Secretary Duque na walang pagnanakaw na nangyari,” saad ni Duterte.

“Itaya ko yung reputation ko as President. Walang kalokohan,” dagdag pa nito.

Ipinaliwanag ni Duque na natagalan ang pagbili ng personal protective equipment dahil kinailangan pa nilang maghanap ng suplay at mababang presyo na kinatigan naman ng Punong Ehekutibo.

“Let me just have a maikling explanation, hindi tayo agad nakabili ng equipment kasi naghanap pa tayo kung saan tayo makabili ng mura at maraming supply,” diin ng Pangulo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: