Maasin Diocese sa Leyte, pinuri ng Vatican sa paggamit ng solar energy

Maasin Diocese sa Leyte, pinuri ng Vatican sa paggamit ng solar energy

PINURI ng Vatican kamakailan ang Diocese of Maasin sa Southern Leyte makaraang maging kauna-unahan na gumamit ng ‘solar energy’ sa mga Simbahang Katolika sa buong mundo.

Kabilang ang Diocese of Maasin sa laman ng libro na inilabas nitong Hunyo 18 na pinamagatang “Journeying Towards Care for our Common Home: Five Years After Laudato Sì”, naglalaman ito ng mga pamamaraan para mapangalagaan ang kalikasan.

“The Diocese of Maasin has become the first diocese in the world to equip all parishes with solar panels,” nakasaad sa libo na may 265 pahina na naglalaman rin ng mga “best practices” ng iba’t ibang grupo at organisasyon sa mundo.

Nag-umpisa ang paggamit ng Maasin diocese noong 2018 nang magkabit ng mga solar panels para sa 42 simbahan sa ilalim nila sa tulong ng kumpanyang WeGen, isang supplier ng mga teknolohiya.

Leave a Reply

%d bloggers like this: