Online sellers, bigyan ng puhunan

Online sellers, bigyan ng puhunan

IGINIIT ni Senador Win Gatchalian na dapat pagkalooban ng dagdag na puhunan at iba pang tulong pinansyal ang ma maliliit na online sellers sa halip na patawan ang mga ito ng buwis ng gobyerno.

Sinabi ni Gatchalian na dapat isama ang mga online sellers sa microfinancing program ng Small Business Corporation (SB Corp.) upang mabilis na makabangon sa krisis na dulot ng pandemya.

Nasa P1 bilyong pondo ang inilaan para sa Enterprise Rehabilitation Financing facility sa ilalim ng Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (Covid19 P3-ERF) upang umagapay sa mga maliliit na negosyo o micro and small businesses.

Ang SB Corp microfinancing program ay nag-aalok ng mababang interes na hindi hihigit sa 2.5% kada buwan at hindi nangangailangan ng kolateral.

Maliban sa pagbibigay ng pang kapital, sinabi ni Gatchalian na dapat gamitin ng DTI ang Philippine Innovation Law upang lalong maging competitive ang online sellers.

“Hindi lang basta ayuda ang hinihingi ng mga negosyanteng ito. Ang hinihingi nila ay malaya silang bigyan ng oportunidad na makapag-negosyo para may kita sila,” giit ng senador.

Leave a Reply

%d bloggers like this: