Operasyon ng MRT, sususpindihin

Operasyon ng MRT, sususpindihin

WALANG operasyon ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) sa apat na weekend ng July hanggang Setyembre.

Ito ang kinumpirma ng MRT 3 Management upang mapabilis ang pagpapalit ng mga riles.

Sa pahayag ng MRT 3 Management, suspendido ang kanilang operasyon sa July 4 hanggang 5; August 8 hanggang 9; August 21 hanggang 23 at September 12 hanggang 13.

“After rail replacement works are completed, train operating speed will gradually increase from 40 kph to 60 kph by December 2020, and headway, or the interval between trains, will gradually decrease to 3.5 minutes,” saad ng MRT 3 management.

Tiniyak naman ng management na paiigtingin ang augmentation program upang serbisyuhan ang mga pasahero.

Sa kasalukuyan, tumatakbo ang MRT 3 sa limitadong kapasidad na 13% o 153 pasahero sa bawat train set dahil sa ipinatutupad na physical distancing protocols.

Leave a Reply

%d bloggers like this: