Pinas, binabastos ng mga POGO

Pinas, binabastos ng mga POGO

NANINIWALA si Senador Joel Villanueva na masyado nang binabastos ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang Pilipinas sa patuloy na pagmamatigas na hindi bayaran ang kanilang mga utang sa buwis.

Iginiit ni Villanueva na habang pinagpipilitan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpaparehistro at pagpapataw ng buwis sa mga online sellers, hindi pa rin naman tumutugon ang mga POGO sa kanilang obligasyon.

Sa datos, nasa P50 bilyon ang utang ng POGO na buwis sa Pilipinas.

Patunay anya ng pambabastos ng POGO ang patuloy nilang operasyon sa kabila ng pagbabawal sa mga ito kung saan halos linggo-linggo na lamang ay may nadidiskubre ang mga awtoridad na iligal na operasyon.

Iginiit ni Villanueva na panahon na upang ipakita ng gobyerno sa mga POGO na dapat silang sumunod sa batas ng bansa.

“Sabihin natin na POGO, they are not above the law, right now binabastos tayo eh, parang okay lang (kasi) magbabayad naman sila ng buwis,” diin ni Villanueva.

Leave a Reply

%d bloggers like this: