Senado, naka-‘semi-lockdown’

Senado, naka-‘semi-lockdown’

NASA ilalim ng semi-lockdown ang gusali ng Senado makaraang dalawa pang empleyado nito ang nagpositibo sa COVID 19.

Sinabi ni Senate President Tito Sotto na hindi nila maipatupad ang total lockdown dahil may mga isinasagawang hearings ang iba’t ibang kumite at kailangan din anyang maproseso ang sweldo ng mga empleyado.

Idinagdag pa ng senador na nagkausap na sila ni Senate Secretary Atty. Myra Villarica at pinayuhan na payagan na lamang ang mga departamento na gustong magpatupad ng total lockdown.

“We are already in semi lockdown. I was just briefed by the Senate Secretary of the request of some employees. There are also hearings and work to be conducted by Senators’ offices, so we cannot declare a total lockdown. Besides, their salaries will not be processed in a total lockdown scenario,” saad ni Sotto.

Nilinaw din naman ng lider ng Senado na ang mga na-expose sa dalawang empleyado na nagpositibo sa virus ay isinailalim na sa 14 na araw na self-quarantine.

Batay sa impormasyon sa Senate Medical & Dental Bureau, simula noong Marso, umabot na sa 16 ang kaso ng COVID sa Senado kung saan 13 ang nakarecover, isa ang namatay at dalawa ang aktibo pa.

Sa naturang bilang, 10 ang mula sa Secretariat at anim mula sa mga tanggapan ng mga Senador.

Leave a Reply

%d bloggers like this: