Bagong retrenchment, nagbabadya sa Cebu Pacific

Bagong retrenchment, nagbabadya sa Cebu Pacific

NAGBABADYA ang panibagong retrenchment sa Cebu Pacific dahil pa rin sa limitadong biyahe dulot ng epekto ng COVID 19 pandemic.

Ayon kay Cebu Pacific spokesperson Charo Logarta-Lagamon, pinag-aaralan na ng airline company ang kanilang records para sa posibleng retrenchment.

“Bunsod nga nitong challenges brought about by COVID-19, partikular sa mga airlines, it is now necessary for us para i-review, i-review at tignan ng maigi ang entire business ng Cebu Pacific, and resources niya and really transform the airline para i-meet ‘yung future market conditions,” saad nito sa panayam sa Radyo.

“‘Yun nga, dahil dito sa transformation process na ito, magkakaroon talaga ng rightsizing ng Cebu Pacific. Kumbaga, ia-akma ‘yung entire orgnaization kung ano ang magiging future trend and this is necessary for us to do para i-sustain po ang airline for the future,” dagdag pa ni Lagamon.

Wala pa namang maibigay na detalye si Lagamon hinggil sa mga posibleng maapektuhan ng panibagong retrenchment.

“Wala pa po talagang final kung ilan ‘yung maapektuhang empleyado kasi ginagawa pa po ang lahat para hindi humantong sa ganon,” diin nito.

“Talagang nire-review pa po lahat talaga ang rest assured naman po that whatever decisions will be made will be done with transparency, sensibility, and responsibility,” paliwanag ni Lagamon.

Noong Abril, 400 na tauhan ng kumpanya ang tinanggal sa serbisyo habang noong isang linggo sinasabing nasa 1,000 pang empleyado ang posibleng matanggal.

Leave a Reply

%d bloggers like this: