Sky is the limit na sa pagbili ng essential products- DTI

Sky is the limit na sa pagbili ng essential products- DTI

MAAARI nang makabioli ang mga consumer ng mga essential product nang kahit ilan makaraang tanggalin na ng Department of Trade and Industry (DTI ) ang limitasyon sa pagbili ng mga essential items.

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na ang mga essentials ay ang canned goods, noodles, alcohol, hand sanitizers, sabon, hygiene products at iba pa na lumakas ang demand dahil sa pagpapatupad ng community quarantine dulot ng coronavirus diseases 2019 (COVID-19).

Karaniwan ang mga nasabing essentials ay kasama sa relief packs na ipinamimigay sa mga naapektuhan ng community quarantine. Naging dahilan din ng mabilis na pagka-ubos ng suplay ng essentials ang panic buying sa panahon ng enhanced community quarantine sa Luzon.

Kinumpirma rin ni Lopez na tinaasan na ng DTI ang bilang ng mga face mask na maaaring mabili ng mga tao. Kung noon, nasa limang face mask lamang ang limit para sa isang taong bibili, ngayon ay uubra nang makabili ng hanggang 50 piraso.

Ito ay dahil na rin sa marami nang suplay ng face mask, hindi gaya noon na nagkakaubusan sa gitna ng banta ng COVID-19.

Leave a Reply

%d bloggers like this: