Libreng COVID rapid test sa media, vendors at drivers sa Pasay

Libreng COVID rapid test sa media, vendors at drivers sa Pasay

MAGBIBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay ng libreng COVID-19 rapid tests sa mga mamamahayag, maging sa mga vendor at driver ng tricycle at pedicab.

“This is another addition in our overall COVID-19 response, especially in the component of preventing the spread of the virus in our city and our people,” ani Mayor Emi Calixto-Rubiano.

“These people – the vendors and drivers, and more especially, the journalists – are very much exposed to the risk of contamination because of the nature of their profession which entails their close interaction with the public. So, we need to protect them and the public that they deal with,”dagdag pa niya.

Binigyang-diin ni Mayor Emi na sa pamamagitan ng resulta ng rapid tests, madaling matutukoy ng City Health Office kung may kaso ng COVID-19 na dapat mangangailangan ng medical at iba pang tulong .

Kabilang dito ang lahat ng reporters, photographers at crew ng mainstream media entities at social media sites na nakatalaga sa Pasay para iulat sa mga residente at publiko ang mga kaganapan sa lungsod.

Samantala, kasali din sa madaling kapitan ng virus ang mga vendors sa palengke at talipapa; mga driver ng pedicab at tricycle. Mas mabilis nila itong maililipat sa iba dahil sa interaksiyon sa mga kliyente kaya dapat silang maisalang sa rapid tests.

Leave a Reply

%d bloggers like this: