NTC, walang signal! Paano na ang online learning?

NTC, walang signal! Paano na ang online learning?

NANGANGAMBA sina Senador Francis Tolentino at Senador Win Gatchalian sa negatibong epekto sa online learning ng problema ng bansa sa internet connectivity.

Sa pagdinig sa Senado hinggil sa paghahanda para sa online learning sa school year 2020-2021, mismong ang kinatawan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang hindi makapasok sa videoconference hearing dahil sa kawalan ng signal.

“Mukhang may technical problems po ang NTC. Pag may technical problems ang NTC parang nawawalan ako ng pag-asa sa online learning na mangyayari sa bansa natin dahil ang NTC ang regulator ng telcos,” saad ni Senate Committee on Basic Education chairman Win Gatchalian na namuno sa pagdinig.

Tumagal ng mahigit apat na oras ang hearing subalit hindi na nakapasok sa video conference ang kinatawan ng NTC.

“Walang signal ag NTC. It’s a very good omen. NTC, naririnig nyo kami? Dapat pinakamalakas na signal NTC….NTC, you don’t have any signal. NTC are you still practicing state of the art technology?” magkakasunod namang tanong ni Senador Francis Tolentino sa pagdinig.

Samantala, kinumpirma ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na nasa 40% pa lamang ng mgma guro sa pampublikong paaralan ang naisalang nila sa training para sa distance learning.

Sinabi ni San Antonio na inaasahan nilang matatapos ang training sa 60% pa ng mga guro sa susunod na buwan para sa pagsisimula ng klase sa August 24.

Sa pagtatanong naman ni Senador Nancy Binay, inamin ni Education Undersecretary Tony Umali na wala pa rin silang datos sa mga estudyante na may kakayanan sa online-based education at sino ang mga mag-aaral na aasa sa telebisyon at radyo.

Nakumpirma rin sa pagdinig na sisimulan pa lamang ng DepEd ang printing ng self-learning modules sa susunod na buwan subalit inaasahan nilang matatapos ito sa loob ng 30 hanggang 60 araw.

Kasabay nito, inamin din ng DepEd na hanggang sa ngayon ay naghahanap pa sila ng pondo para sa procurement ng mga gadgets na ipamamahagi sa mga guro gayundin sa mga estudyante,

“We don’t have funds to procure laptops or gadgets, the way we are talking about it right now to the use in light of the COVID-19 pandemic po,” saad pa ng DepEd official.

Panoorin ang bahagi ng pagdinig ng Senado sa paghahanda sa online learning

Leave a Reply

%d bloggers like this: