800K new graduates, walang trabaho

800K new graduates, walang trabaho

HIGIT 800,000 na mga bagong graduates sa kolehiyo ang kailangan pang maghintay na matapos ang pandemya bago magkaroon ng trabaho at makatulong sa pamilya nila at ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Labor Assistant Secretary Dominique Rubia na taun-taon ay nasa 800,000 mga bagong graduates ang nagpapartisipa sa labor market na hindi nangyari ngayon.

Sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), bumagsak ang employment rate ng bansa sa 33.7 milyon nitong Abril 2020 kumpara sa 41,7 milyon noong Abril 2019.

Nakadagdag pa dito ang maraming mga Pilipino na nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara at pagsususpinde ng operasyon ng ilang mga kumpanya dulot ng tatlong buwang lockdown.

Aminado ang DOLE na mas mahirap ngayon ang makahanap ng trabaho dahil sa nasa 10,000 vacancies lamang ang binuksan ng mga kumpanya ngunit pinayuhan nila ang mga bagong graduartes na gamitin ang teknolohiya at diskarte sa pagpasok sa mga tinatawag na ‘digital careers’ lalo na at karamihan ngayon sa mga manggagawa ay ‘work from home’.

Una nang nangako ang DOLE kapartner ang Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) na gagawa ng paraan para maipasok ang mga kuwalipikadong overseas Filipino workers (OFWs) na bumalik ng bansa, sa call center industry o BPO (Business Process Outsourcing).

Leave a Reply

%d bloggers like this: