Pinoy jeep, balik-kalsada na

Pinoy jeep, balik-kalsada na

BALIK-pasada na simula sa Lunes ang mga Pinoy jeep at UV Express service sa mga lansangan sa bansa makaraan ang tatlong buwang pagsuspinde sa kanilang biyahe.

“Sa Lunes, magsisimula na iyong UV Express. We are looking at 30 routes. Within the same week, magbubukas naman iyong traditional jeepneys,” sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra

Ang pagbabalik sa kalsada ng mga traditional jeepney at UV Express ay alinsunod sa patakaran ng Department of Transportation – hierarchy of public transport na inaprubahan ng IATF.

Nagdesisyon na din ang LTFRB na pumasada ang trational jeep at UV Express dahil hindi kaya ng mga bus at modern public utility vehicles na maserbisyuhan ang malaking populasyon ng mga commuters lalo na sa Metro Manila.

Leave a Reply

%d bloggers like this: