Boracay, Bohol bubuksan na sa mga foreign tourists?

Boracay, Bohol bubuksan na sa mga foreign tourists?

PARA mapalakas na ang naghihingalong industriya sa tuismo, plano ngayon ng Department of Tourism (DOT) na payagang makapagbakasyon ang mga dayuhang turista sa mga destinasyon na wala o may mababang kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Tinawag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ‘travel bubbles o travel corridors’ ang naturang plano na isa sa kanilang aksyon para unti-unting mapalakas ang industriya ng turismo ng bansa.

Mga turista buhat sa mga bansa na wala o maliit ang kaso ng COVID-19 rin ang plano nilang payagan na makapunta ng Pilipinas sa mga lugar na wala o mababa rin ang kaso tulad ng Boracay at Bohol.

Tinitignan ng DOT ang mga bansang Australia at New Zealand na maaaring magtungo sa Boracay at Bohol.

“Since zero COVID naman sila, we are looking at from their country to Boracay or Bohol na puwede na tayo maka-travel bubble or travel corridor so at least hindi lang tayo limited sa international tourism,” ayon kay Romulo-Puyat.

Isa pa sa lalawigan na mababa ang kaso ng virus ay ang Palawan na tinitignan rin ng DOT na isama sa programa.

Leave a Reply

%d bloggers like this: