UV LIGHTS NAKAKAPATAY NG CORONAVIRUS

UV LIGHTS NAKAKAPATAY NG CORONAVIRUS

NATUKLASAN ng mga mananaliksik sa Columbia University na napapatay ng UV lights ang coronavirus kung gagamitin ito sa pinakamababang settings.

Sa resulta ng pag-aaral, episyenteng napapatay ng UV light gamit ang isang equipment sa kisame na naglalabas ng UV light na tinatawag na ‘far-UV’ ang mga ‘airborne viruses’ ng 99.9% kung nasa pinakamababang settings ng exposure lamang.

“But in our subsequent ongoing studies we have found that the coronavirus that causes COVID-19 is killed in just the same way by far-UVC light,” ayon kay Dr. David Brenner, ang lead researcher.

Ginamit sa pag-aaral ang coronavirus na napapatay umano ng Far-UVC light. Ngunit nilinaw nila na hindi pa rin dapat tanggalin ang physical distancing ng mga tao at ang kanilang natuklasan ay isang dagdag na ‘weapon’ laban sa COVID-19.

Sa kanilang rekomendasyon, maaaring magkabit ng far-UVC lights sa mga pampublikong lugar na patuloy na papatay ng mga virus at mikrobyo sa hangin kabilang ang coronavirus.

“We see it as a new extra weapon that we can use in the battle against COVID-19,” ayon kay Brenner.

Ngunit ayaw itong paniwalaan ng Department of Health, dahil base sa opinyon ng World Health Organization (WHO) ay wala pang ebidensya na maaari itong gamitin sa mga pampublikong lugar at maaaring magdulot ng sakit sa bala sa tao.

Para sa DOH, alkohol at bleach solutions pa rin ang pinakamabisang panlaban sa viruses.

Leave a Reply

%d bloggers like this: