Go sa Meralco: Huwag munang isipin ang kita!

Go sa Meralco: Huwag munang isipin ang kita!

PINAALALAHANAN ni Senador Bong Go ang Meralco na sa panahon ngayon ng pandemya ay hindi dapat mamayani ang kanilang pagnanais na kumita at sa halip ay unahin ang kapakanan ng mamamayan.

Kasabay nito, hinikayat ni Go ang Department of Energy, Energy Regulatory Commission, at iba pang ahensya ng gobyerno upang tugunan ang reklamo ng publiko hinggil sa matatas na bayarin sa kuryente.

Iginiit ni Go na dapat pangalagaan ang interes at kapakanan ng mga ordinaryong Filipino lalo na’t hirap na hirap na ang mga tao dahil sa krisis na dulot ng COVID-19.

Nais ni Go na linawin ng mga ahensya at ng power distributors tulad ng Meralco ang kanilang billing sa gitna ng reklamo ng marami na hindi makatarungan ang kanilang tinanggap na bayarin.

“Maraming mga reklamo hinggil sa mataas na electricity bill na natanggap ng consumers. Kailangan ipaintindi ng maayos ang pinagbasehan nito. Importanteng masiguro na tama at patas ang aplikasyon nito para hindi dumagdag sa pinapasan ng ating mga kababayan,” saad ni Go.

Pinakikilos din nito ang ERC upang imbestigahan ang posibleng pag-abuso at tiyakin na tamang singil lamang ang maipapataw sa mga consumer.

Hiniling din ng senador na huwag putulan ng suplay ng kuryente ang mga consumer na mabibigong magbayad on time.

Leave a Reply

%d bloggers like this: