DepEd nagpaalala sa deadline ng online enrolment

DepEd nagpaalala sa deadline ng online enrolment

Enrolled na ba ang anak mo?

Muling pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga magulang na ipa-enroll na ang kanilang mga anak habang hindi pa sumasapit ang deadline para sa pagpapatala sa klase sa Hunyo 30, Martes.

“The Department of Education is reminding those who still intend to enroll in public schools to do so on or before June 30, 2020, Tuesday, as it is about to wrap up its month-long enrollment period,” paalala ng DepEd.

Ayon sa DepEd, maaaring isumite ng mga magulang ang Learner Enrollment Survey Forms (LESF) ‘remotely’ o di kaya ay ihulog sa drop boxes na nasa mga paaralan o barangay halls hanggang sa Hunyo 30.

Kasabay nito, inianunsiyo rin ng DepEd na mahigit 15 milyon pa lamang sa 27 milyong inaasahan nilang enrollees ang nakapagpatala para sa School Year 2020-2021. Nangangahulugan ito na nasa halos 12 milyong estudyante pa ang hindi pa nakakapagpa-enrol.

“As of June 27, 8 a.m., total enrollment data were at 15,182,075 nationwide, with 14,548, 915 registered in public schools, including those in the Alternative Learning System,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: