Doktor sa mga baryo, isla tutulong kontra COVID sa Cebu City

Doktor sa mga baryo, isla tutulong kontra COVID sa Cebu City

IPINULL-OUT ng Department of Health (DOH) ang mga doktor na nakatalaga sa malalayong komunidad sa ilalim ng “Doctor to the Barrios (DTTBS) program” at itinalaga sa Cebu City para tumulong sa paglaban sa pagkalat lalo ng coronavirus disease (COVID-19).

“Following reports of CHD 7 Director Bernadas that the Cebu City health care system is overwhelmed with patient load at the moment, Health Secretary Francisco T. Duque III issued a directive to deploy doctors including DTTBs,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“The assigned doctors are rural health physicians (RHP) and not municipal health officers (MHO). Meaning the municipality they serve already has a municipal-hired doctor ensuring that the municipalities they serve will not be left doctorless during their assignment,” paliwanag ni Vergeire.

Hindi umano permanente ang pagtatalaga sa Cebu City ng mga DTTBS na magbibigay lamang ng ayuda tulad ng ginawa sa Marawi City at noong Bagyong Yolanda. Magpapatuloy naman umano ang serbisyong medikal sa mga rural areas dahil sa may presensya pa rin ng municipal health officers.

“COVID-19 cases has reached a critical point in Cebu City and the Department is grateful to those who have risen to this patriotic call,” dagdag pa ni Vergeire.

Ang DDTB program ay nakatuon na magtalaga ng mga doktor sa mga pinakaliblib na lugar para mabigyan ng medikal na serbisyo ang mga mamamayan na hindi agad makapunta sa mga pagamutan sa mga lungsod.

Leave a Reply

%d bloggers like this: