Haring Solomon hitmaker, pumanaw na

Haring Solomon hitmaker, pumanaw na

MULING nalagasan ng isa pang legend ang Philippine music industry sa pagpanaw ng Haring Solomon hitmaker na si Pedro Santos, alyas Boy Sullivan na namatay noong June 26, sa edad na 83.

Sinimulan ni Sullivan started ang Novelty Genre sa Philippine music industry sa pagpapalabas ng Vicor Music ng una nitong album noong 1972 na naglalaman ng kanyang ‘greatest hit of all time’ na “Haring Solomon (May Alagang Pagong).

Sinundan ito ng dalawa pang albums sa naturang taon na nakakuha ng gold at platinum award nang wala pang isang buwan.

Ang iba pang pumatok na kanta ni Sullivan ang Kikay, Pinagbigyan (Anak Ka ng Pu…), Itlog at Mani, ang classic na Mang Gusting at marami pang iba.

Bago ang pagsikat ng kanyang “Haring Solomon” fame, isa si Santos sa original members ng The Big 3 Sullivans kasama sina Mar Lopez at Apeng Daldal.

Noong 1980’s, patok ang lahat ng kanta nito sa mga Pinoy OFW’s sa Saudi Arabia at iba pang middle east countries.

Si Sullivan ay ama ng singer/composer at musical director na si Charlie Fry na naging sikat din sa mga nakalipas na buwan dahil sa kanyang Pandemic lockdown na ‘Oh Meyor,’ ‘Quarantine,’ at iba pa.

Nakaburol si Santos sa San Sebastian Chapel sa Barangay San Sebastian, Hagonoy, Bulacan at ililibing sa June 30, 2019.

Leave a Reply

%d bloggers like this: