Imee: Face to face o online classes, desisyunan na!

Imee: Face to face o online classes, desisyunan na!

DAPAT pag-aralan kung anong uri ng pamamaraan ng pagtuturo ang ipatutupad sa bawat lugar sa bansa depende sa sitwasyon ng COVID 19.

Sinabi ni Senador Imee Marcos na dapat i-activate ang lahat ng school boards sa iba’t ibang lugar sa bansa para sa pagpapatupad ng iba’t ibang uri ng pamamaraan sa pag-aaral.

Binigyang-diin ni Marcos na hindi pare-pareho ang sitwasyon sa bawat lugar sa bansa.

May mga probinsya anya na wala o mababa ang kaso ng COVID 19 subalit mahina ang internet connection habang sa Metro Manila at iba pang lugar ay mataas ang kaso ng virus subalit may internet na maasahan.

Nangangahulugan anya na may mga lugar na maaaring isagawa ang face to face learning na kaakibat ng mahigpit na pagsunod sa health protocols habang sa ibang lugar ay distance learning ang dapat ipatupad.

“May sinasabi sa pulitika na huwag sinasayang ang krisis. Sa bawat sakit ng ulo, may mga pagkakataon. Pagkakataon siguro ngayon na tigilan ang ‘one size fits all’,” saad ni Marcos.

Iginiit ng senador na kailangan lamang ay magtulungan ang DepEd, school boards at ang local government units para sa mas epektibong pag-aaral ng mga bata.

Dapat din anyang ngayon pa lamang ay magdesisyon na ang DepEd, katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa kung anong paraan ang ipatutupad upang nakapaghahanda na hindi lamang ang mga guro kundi maging mga magulang at mga estudyante.

Leave a Reply

%d bloggers like this: