Wala munang selebrasyon sa Pista ng Peñafrancia sa Bikol

Wala munang selebrasyon sa Pista ng Peñafrancia sa Bikol

WALA muna ang mga nakasanayan na prusisyon at masasayang programa sa darating na Pista ng Peñafrancia dahil sa pagsunod sa mga itinakdang health safety protocols ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) dulot ng COVID-19.

Sinabi ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, sa halip na ang tradisyunal na novena sa Divino Rostro (Holy Face of Jesus) sa Peñafrancia Shrine at Basilica Minore, sa mga bahay na lamang isasagawa ito ng mga mananampalataya at magkakaroon na lamang ng novena sa Archdiocese of Caceres website para magsilbing gabay.

Hindi rin magkakaroon ng tradisyunal na prusisyon na taun-taon inaabangan ngunit papayagan naman na “Pagsungko ni Ina” o ang pagbisita sa imahe ng Lady of Peñafrancia.

“Nobody will also be allowed to kiss and touch images. There will be no imposition of the manto, the mantle or cape of the icon, believed to have healing powers, on sick pilgrims,” ani Tirona.

Gagawin na ring ‘online’ ang tradisyunal na Fiesta Mass sa Setyembre 20 habang magsasagawa rin ng sariling novena masses ang mga diocese ng Legazpi, Sorsogon, Daet, virac at Masbate para manatili ang mga deboto at huwag nang bumiyahe sa Naga City,

Ang debosyon ng mga Katoliko sa Our Lady of Peñafrancia ay nag-umpisa may 310 taon na ang nakalilipas.

Leave a Reply

%d bloggers like this: