Win sa Meralco: Huwag munang maningil kung…

Win sa Meralco: Huwag munang maningil kung…

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Manila Electric Company (MERALCO) na huwag muna silang maningil sa mga consumer kung hindi nila napapaunawa sa taumbayan ang kanilang computation.

Sinabi ni Gatchalian na sa sitwasyong kinakaharap ngayon ng lahat, bagama’t nais magbayad ng bills ang mamamayan ay kailangan muna nilang maintindihan ang paraan ng paniningil sa kanila.

Ginawa ng senador ang pahayag kasunod ng panibagong bill shock na naranasan ng marami sa June billing ng Meralco.

Aminado ang senador na maging siya ay nagulat sa kanyang sariling bill at maging siya ay hindi maunawaan ang inilabas na paliwanag ng Meralco sa kanilang website.

“Ang usapan natin last hearing, hindi muna sila maniningil hangga’t hindi sila maglalabas ng sulat na ipapaliwanag ang kanilang paniningil, yung computation, yung simpleng paliwanag, ‘wag naman scientist ang magpapaliwanag,” diin ni Gatchalian.

Sinabi ng senador na muli niyang susulatan ang Meralco upang hingan ng paliwanag at kung hindi sila makukuntento sa ekspalanasyon ay muling magsasagawa ng pagdinig kasama ang Energy Regulatory Commission.

Leave a Reply

%d bloggers like this: