Bangkang Pinoy binundol ng Chinese vessel?

Bangkang Pinoy binundol ng Chinese vessel?

NANAWAGAN ngayon ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas na bigyan ng hustisya ang mga sakay ng MV Liberty 5 na sinabi nilang binunggo umano ng Hongkong vessel na MV Vienna Wood sa karagatan malapit sa Occidental Mindoro nitong Linggo ng umaga.

Nagsasagawa naman ngayon ng ‘search and rescue operation’ ang Philippine Coast Guard (PCG) para mailigtas ang 14 Pinoy na sakay ng bangka.

Ala-1 ng madaling araw nang maganap ang bungguan sa may Occidental Mindoro. Agad naman umanong nagpadala ng distress signal ang barko ng Hongkong kaya nakaresponde ang PCG.

Alas-10 ng umaga nang matagpuan ng PCG ang tumaob na bangka ngunit wala na ang mga sakay nito na 12 mangingisda at 2 pasahero.

“MV Vienna Wood departed from Subic, Zambales going to Australia, while FV Liberty 5 departed from Cagayan de Tawi-Tawi going to Navotas Fish Port, Metro Manila when the maritime incident occurred,” ayon sa PCG.

Ipinadala na ng PCG ang BRP Boracay sa karagatan habang idiniploy na rin ang isang helicopter at isa pang search and rescue team para tumulong.

“The Chinese cargo ship should be held accountable for endangering the lives of our fisherfolks,” ayon sa Pamalakaya.

Leave a Reply

%d bloggers like this: