Bato sa PNP at AFP: Huwag nang palakihin ang tensyon

Bato sa PNP at AFP: Huwag nang palakihin ang tensyon

HINIMOK niSenador Ronald “Bato” dela Rosa ang PNP at AFP na huwag nang palakihin ang tensyon kasunod ng misencounter sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng apat na sundalo.

“Ground commanders of both AFP and PNP must difuse tensions and prevent it from escalating while investigation is ongoing,” saad ni dela Rosa.

Ayon kay dela Rosa, kailangang magkaroon ng imbestigasyon sa pangyayari at
maigawad ang katarungan sa mga nasawing tropa ng pamahalaan at tukuyin at papanagutin ang maysala.

Ipinaalala ng dating hepe ng Pambansang Pulisya na dapat palagiang may koordinasyon ang PNP at AFP upang maiwasan ang mga kahalintulad na pangyayari.

Kasabay nito, nanawagan ang senador sa PNP at AFP na iwasan nang palakihin pa ang tensyon dahil sa pangyayari at hintayin ang resulta ng pagsisiyasat.

Sa bersyon ng tropa ng pulisya na sangkot sa insidente, iginiit na self defense ang pangyayari makaraan silang tutukan ng baril ng mga sundalo na mga intelligence officers.

Kinontra naman ito ng AFP sa pagsasabing hindi makikipagsagupa ang mga sundalo sa pulisya at palaging may koordinasyon ang mga ito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: