Bus door, sa kaliwa na rin?

Bus door, sa kaliwa na rin?

MAKARAANG ilipat ang bus lane sa kaliwa ng EDSA, plano rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipalipat sa kaliwang bahagi ng mga bus ang kanilang mga pintuan para mas tumugma sa inilagay nilang bus stops sa gitna ng EDSA.

Sinabi ni MMDA Chairman Danilo Lim na ito rin ay upang makaiwas sa mga posibleng aksidente ang mga bumababang pasahero sa kanilang pagbaba sa EDSA.

Matatandaan na nagpatayo ng mga bus stops ang MMDA sa gitna ng EDSA makaraan na ilipat rin ang bus lanes sa ‘innermost lane’ ng naturang kalsada nitong kasagsagan ng ‘enhanced community quarantine (ECQ)’ para mapabilis umano ang biyahe.

Sa kasalukuyan, kailangan pang tumawid sa EDSA ng mga pasahero para makasakay at matapos bumaba ng bus dahil sa hindi akma ang puwesto ng mga pinto ng bus.

Mayroon rin naman umano na mga bus stops na nasa kanan ng mga bus na nagagamit ng mga pasahero sa ngayon tulad ng nasa Monumento hanggang Quezon Avenue at Estrella hanggang MOA.

Leave a Reply

%d bloggers like this: