Higit 200K estudyante, enrolled na sa Maynila

Higit 200K estudyante, enrolled na sa Maynila

Umabot na sa 246,102 na estudyante ang nagpa-enroll sa mga pampublikong paaralan sa Maynila.

Batay sa datos ng Division of City School (DCS)-Manila, 154,004 sa mga ito ang nasa elementarya; 81,588 ang nasa Junior High School at; 10,510 naman ang nasa Senior High School.

Nakapagtala rin ang DCS-Manila ng 4,659 na estudyante na lumipat sa mga pampublikong paaralan mula sa mga pribadong eskwelahan.

Ayon kay DCS-Manila Information Officer Aaron Tolentino, inaasahan nila na maaabot nila ang target enrollees na 268,972 hanggang ika-30 ng Hunyo o ang huling araw ng enrollment.

“Karaniwan na ang pagdagsa ng mga ‘last-minute enrollees’ at nais natin na tanggapin lahat ng mga batang nais na mag-aral kung kaya’t naghahanda rin ang ating mga guro para sa huling dalawang araw ng enrollment,” ani Tolentino.

Leave a Reply

%d bloggers like this: